-- Advertisements --

LA UNION – Nagtala ng kabuuang 18 bagong kaso ng Covid 19 ang lalawigan ng La Union sa loob ng dalawang araw, Setyembre 5 at 6.

Noong Sabado, 14 ang new Covid cases na kinabibilangan ng 12 sa syudad ng San Fernando, tig-isa sa Bauang at Santol.

Apat ang panibagong kaso ang naitala nitong Linggo kabilang ang dalawa sa San Fernando City, isa sa bayan ng Balaoan at isa sa Agoo, La Union.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 48 active cases mula sa 245 confirmed cases.

Samantala, inaasahang sa susunod na mga araw ay ipapatupad ng local inter-agency task force, sa pamamagitan ng City at Provincial Health Office ang mass testing o pagsasailalim sa swab test ang mga pulis sa Police Regional Office One (PRO-1), dahil sa tumataas na bilang na tinatamaan ng sakit na covid 19.

Napag-alaman na mahigit kumulang sa 10 ang mga pulis ngayon na nagpositibo sa Covid 19.

Nasa ilalim ngayon ng lockdown ang PRO-1 na nakabase sa Camp Oscar Florendo, Barangay Parian, San Fernando City, La Union.