-- Advertisements --
La Union – Aabot na 15 ang naitalang kaso ng corona virus o Covid 10 sa La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Adamor Dagang, information officer ng La Union Provincial Government, may isang nadagdag sa nasabing bilang kung saan isa itong 75 anyos na lola mula sa Barangay Calumbaya, sa bayan ng Bauang sa lalawigan.
Gayunman, mayroon ng (6) na naka-recover mula sa nasabing virus; (4) ang naitalang patay; (3) ang naka home quarantine; at (2) a nasa pagamutan.
Kaugnay nito, mahigpit naman ang ipinapatupad na social distancing at mandatory na pagsuot ng face mask kapag lalabas.