-- Advertisements --

LA UNION – Nakikiusap ang pamahalaan panlalawigan ng La Union na itigil ang diskriminasyon laban sa mga naninirahan sa bayan ng Caba, na ngayon ay naka-lockdown dahil sa naitalang mayroong positibo ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay La Union Provincial Information Officer Adamor Dagang, sinabi nito na may nakarating din sa kanya na ulat hinggil sa nangyayaring diskriminasyon sa laban sa ilang naninirahan sa Caba kapag nagtutungo ang mga ito sa ibang lugar o pamilihan.

Ayon kay Dagang, ngayong nakakaranas ng krisis ang lalawigan ay isantabi ang diskriminasyon at magtulongan na lamang ang bawat isa.

Mas mainam aniya kung gawin na lamang ang preventive measure laban sa COVID-19 kaysa ang magpakita ng hindi kanais-nais sa kapwa.

Una rito, ilang paramasist ang hindi umano pinapasok ng gwardya sa isang mall sa lungsod ng San Fernando, La Union matapos malaman na residente ang mga ito ng Caba, La Union kung saan naitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.