-- Advertisements --
Dumating na sa Pilipinas ang BGI laboratory equipment mula Shenzhen, China na sinundo ng Philippine Air Force (PAF) C-130 cargo aircraft.
Ang naturang dagdag na tulong ay gagamitin para sa COVID-19 testing.
Bandang alas-2:45 kaninang madaling araw nang lumapag ang C-130 plane sa base operations ng Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon kay PAF spokesperson Maj. Aristedes Galang, tinanggap ng Department of Health representative ang nasa kabuuang 10,000 lbs na binubuo ng 66 boxes ng BGI laboratory equipment.
Siniguro naman ni Galang na sa pagdating ng aircraft agad silang nagsagawa ng disinfection kasama ang mga tauhan ng Air Logistics Command at mga tauhan ng 710th Special Operations Wing.