-- Advertisements --

Itinanggi ng kampo ni Manny Pacquiao na tuloy na ang laban nito kay Terrence Crawford sa Nobyembre.

Kasunod ito ng pahayag ni Top Rank CEO Bob Arum na naayos na ang kontrata ng dalawang boksinger.

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, na wala pa silang napipirmahang kontrata para sa nasabing laban.

Tinawag pan nitong 1,000 percent na non-sense ang mga pahayag ni Arum tungkol sa laban ng dalawa.

Magugunitang makailang beses na sinabi ni Arum na tuloy na ang laban ng reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion sa fighting senator para sa 147 pound belt sa buwan ng Nobyembre.

Isa kasi ang 32-anyos na si Crawford ang nasa listahan na Pacquiao na makaharap sa boxing ring.