-- Advertisements --
Inamin ni four-division world champion Roy Jones Jr., na hindi agad siya tumanggi nang ialok sa kaniya na labanan si dating heavyweight world champion Mike Tyson.
Sinabi ng 51-anyos, mahirap tanggihan at imposible pa na tumanggi ang sinumang boksingero na iharap sa kaniya ang 54-anyos na si Tyson.
Dagdag pa nito, matagal na niyang pinangarap na muling makaharap ang retired boxing icon. champion.
Huling lumaban kasi si Jones ay noon pang 2003 ng talunin niya si John Ruiz.
Maghaharap ang dalawang boksingero sa darating na Setyembre 12 sa California sa isang exhibition match.