-- Advertisements --

Hinimok ng consumer group na Laban Konsyumer ang National Water Resources Board (NWRB) na pahintulutan ang deepwell operations sa Metro Manila at kalapit na probinsya para mapunuan ang kakulangan ng supply ng tubig mula sa Angat Dam.

Inaasahan ng NWRB na aabot kasi ngayong linggo sa critical level ang tubig sa Angat Dam, na nagsu-supply ng 96 percent sa water requirements ng Metro Manila.

Sa isang statement, sinabi ng Laban Konsyumer na sa pamamagitan ng pagpahintulot sa deepwell operations, magkakaroon ng supply ng tubig sa mga barangay at sitio sa National Capital Region.

Makakatulong daw ito hanggang sa maka-recover ang mga reserviors sa mababang water level.