Ituturing umano ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na Southeast Asian Games (SEAG) bilang paglalaro rin sa FIBA World Cup.
Ayon sa beteranong Gilas player na si LA Tenorio na kahit na malaki ang tsansa ng Pilipinas makuha muli ang gold medal ay hindi pa rin siya sila magiging maluwag at kampante.
Dagdag pa nito, mahirap na malusutan pa ng iba kaya dapat magiging matindi ang paglalaro nila laban sa mga karibal na bansa sa Southeast Asia.
Kung maipalala, dalawang beses lamang na hindi nakakuha ng gold medal ang Pilipinas at ito ay noong 1979 at 1989.
Huling nakuha ng Pilipinas ang gold medal ay noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na pinangunahan noon nina Kiefer Ravena, Ray Parks at Christian Standhardringer.
Noong panahong ‘yon, walang katalo-talo ang Gilas at tinambakan pa ang Indonesia sa finals sa score na 94-55.