Nagtapos sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Men’s Football team laban sa Myanmar sa pagsisimula ng kanilang kampanya ng 2024 ASEAN Championship sa Rizal Memorial Stadium.
Unang nakapagtala ng goal ang Myanmar sa pamamagitan ni Maung Maung Lwin sa loob ng 25 minuto.
Pagpasok ng second half ay naipasok naman ni Bjorn Kristenensen ang goal sa pamamagitan ng spot kick sa loob ng 72 minuto ng laro.
Hindi naman naibilang ang ikalawang goal ng Myanmar sa 63rd minuto sa pamamagitan ni Ye Ying Aung dahil lumabas na ito ay out base sa pag-aaral ng Virtual Assisted Referree.
Tinangka pa ng Pilipinas na makakuha muli ng goal subalit naging mahigpit ang ginawang pagbabantay ng Myanmar.
Kapwa mayroon ng tig-1 point ang Pilipinas at Myanmar sa Group B kung saan nitong Lunes ay tinalo sila ng Indonesia 1-0.
Dadayo naman sa Laos ang Pilipinas sa araw ng Linggo, Disyembre 15 na gaganapin sa New Laos National Stadium sa Vientaiane.