-- Advertisements --

Nagtapos sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Men’s Football Team laban sa Vietnam sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.

Unang nakapagtala ng goal ang Pilipinas sa pamamagitan ni Jarvey Gayoso sa loob ng 68th minuto ng laro.

Nagdiriwang na sana ang Pilipinas hanggang makapasok ng goal ang Vietnam sa natitirang 98 minuto ng laro.

Inamin ni men’s football head coach Albert Capellas na labis ito ng nalulungkot sa kaniyang manlalaro.

Ninanais kasi nilang makuha ang panalo subalit lubhang hindi pumabor sa kanila ang nasabing kapalaran.

May tsansa pang makapasok sa semfinals ang Pilipinas kapag sila ay mananalo laban sa Indonesia.

Huling tinalo ng Pilipinas ang Vietnam ay noong 2012 Suzuki Cup sa Bangkok sa score na 1-0.

Ito na ang pangatlong draw na laban ng Pilipinas kung saan mayroon pa silang huling laban sa darating na Sabado, Disyembre 21 laban sa Indonesia.

Nasa pang-apat na puwesto ang Pilipinas sa Group B na mayroong tatlong puntos habang nasa una ang Vietnam na mayroong 7 points, sinundan ng Indonesia na mayroong apat puntos at Myanmar na mayroong apat na puntos habang nasa pang-limang puwesto ang Laos na mayroong dalawang puntos.