-- Advertisements --
Nagbigay na ng go-signal ang World Boxing Organization (WBO) para sa world championship showdown sa pagitan nina John Riel Casimero at mandatory challenger nito na si Paul Butler.
Itinakda ng WBO ang laban sa Abril 23 sa Liverpool, England.
Ang nasabing laban ng kasalukuyang WBO world bantamweight champion na si Casimero kay Butler ay isinagawa sana noong Disyembre subalit hindi natuloy matapos na magkasakit siya ilang oras bago ang weigh-in.
Dahil dito ay pinayagan ng WBO ang promoter ni Casimero na ipaalam sa kanila kung interesado pa sila sa laban at nanalo sila sa bid na $105,000.
Mahigipit na binalaan ng WBO si Casimero na kapag hindi pa ito nagpakita sa laban ay kanila ng babawiin ang titulo nito.