-- Advertisements --

Nagtapos sa draw ang exhibition fight ni Pinoy boxing champion Manny Pacquiao kay Rukiya Anpo ng Japan.

Ang laban ay isinagawa sa ilalim ng istriktong boxing rules na isinagawa sa Saitama, Japan.

Bagamat walang judges ay bahagyang nahirapan ang 45-anyos na si Pacquiao para dominahin ang 28-anyos na mixed martial artist.

Ang dating kickboxer na si Anpo ay unang binalaan na papatawan ng $5 milyon na multa kung gumamit siya ng non-boxing moves.

Sa huling round ay umulan ng suntok sa dalawa kung saan napaatras pa ang dating senador.

Aminado si Pacquiao na nahirapan siyang patumbahin si Anpo dahil sa tangkad nito.

Una rito ay balak pa rin ni Pacquiao na bumalik sa professional boxing.

Huling laban kasi nito ay noong 2021 ng talunin siya ni Cuban boxer Yordenis Ugas sa Las Vegas.