-- Advertisements --

Ibinunyag na ni 8-division world boxing champion Manny Pacquiao na mayroon ng negosasyong nagaganap para labanan niya si dating world champion Mikey Garcia.

Sinabi nito na patuloy ang ginagawang negosasyon at hindi na ito nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Malaki aniya ang pagkakataon na makaharap niya ang 33-anyos na American boxer na posibleng gawin ang laban sa buwan ng Mayo sa Dubai.

Magugunitang tinalo ni Errol Spence Jr si Garcia sa pamamagitan ng unanimous decision noong March 16, 2019 at noong Pebrero 29, 2020 ay nagwagi naman ito laban kay Jessie Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision sa Ford Center sa California.

Nauna ng inanunsyo ng fighting senator na bumalik na ito sa boxing training.