-- Advertisements --

Kinansela ang laban ni Filipina mixed martial arts fighter Denice Zamboanga sa Singapore.

Ayon sa ONE Championship, na nagpasya silang kanselahin ang ONE: Empower sa Mayo 28 dahil sa COVID-19 situation sa nasabing bansa.

Paliwanag ng promoter na prioridad nila ang kalusugan ng mga atleta at staff kaya nagdisisyon ang mga ito na kanselahin.

Kanilang iaanunsiyo ang sa mga susunod na araw ang bagong petsa ng nasabing laban.

Nakatakdang makaharap ni Zamboanga para sa Atomweight World Championship si Korean kickboxer Seo Hee Ham.

Mayroong record na walong panalo at wala pang talo ang Pinay fighter habang mayroong 23 panalo at walong talo ang Korean kickboxer.