-- Advertisements --
Inilipat na sa Disyembre 5 ang laban ni Errol Spence kay Danny Garcia.
Orihinal na itinakda sa Nobyembre 21 ang nasabing laban pero ito ay gagawin pa rin sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.
Sa nasabing laban ay unang laban ni Spence matapos na maaksidente sa kotse noong nakaraang Oktobre 2019.
Huling lumaban kasi ito noong Setyembre 2019 ng talunin si Shawn Porter sa pamamagitan ng 12-round split decision para makuha ang WBC at IBF belt.
Mayroong record ito na 26 panalo, walang talo na mayroong 21 knockouts.
Habang si Garcia huling lumaban noong Enero ng talunin si Ivan Redkach sa Brooklyn, New York.
Mayroon itong record na 36 panalo, dalawang talo at 21 knockouts.