-- Advertisements --
Ginawang 12 rounds na ng World Boxing Association (WBA) ang Asia Super featherweight fight sa pagitan nin Tomjune Mangubat at Charly Suarez.
Kinumpirma ito ni Omega Pro Sports International (OPSI) vice president Jerome Calatrava sa laban na gaganapin sa March 12 sa Paranaque City, Manila.
Pinasalamatan nila ang WBA dahil sa pinagbigyan sila sa kanilang hiling na mula sa dating 10 rounds ay gagawin na nila itong 12 rounds.
Ito kasi ang unang beses ng dalawang boksingero na lumaban ng 12 rounds.
Ang 24-anyos na si native ng Bukidnon na si Mangubat ay mayroong 15 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 12 knockouts.
Habang ang 33-anyos na si Suarez, na isang Olympian ay wala pang talo sa siyam na laban na mayroong anim na knockouts.