-- Advertisements --

Itinakda na sa Nobyembre 15 ang paghaharap sa boxing ring ni dating heavyweight boxer Mike Tyson at influencer-boxer Jake Paul.

Ayon sa organizer na sa parehas pa rin na lugar a Arlington, Texas ito gaganapin.

Una kasing itinakda ang laban ng dalawa sa Hulyo subalit nakaranas ng ulcer ang 57-anyos na si Tyson.

Pinayuhan ito ng kaniyang mga doctor na magpagaling muna ng lubusan at ipagpaliban ang nasabing laban.

Ang nasabing laban ay sanctions bilang professional fight sa ilang kondisyon gaya ng magiging eight rounds na tig-2 minuto.

Gagamit rin ang dalawang boksingero ng 14 ounce na gloves imbes na 10 oz lamang.

Mula noong 2005 ay hindi nakapaglaban ng professionally si Tyson pero may mga exhibition match ito noong 2020.

Taong 1987 ng maging unang heavyweight boxer ito na hawak ang WBA, WBC at IBF heavyweight titles.

Natapos ang kaniyang pamamayagpag noong 1990 ng talunin siya ni Buster Douglas sa tinaguriang isa sa pinakamalaking upsets sa kasaysayan ng boksing.

Habang ang 27-anyos na si Paul ay nagwagi sa siyama na 10 laban nito kung saan karamihan sa mga nakaharap niya ay dating mga UFC fighters na ang isang talo lamang niya ay mula kay British boxer Tommy Fury noogn Pebrero 2023.