-- Advertisements --

Nagtapos sa draw ang laban ng British boxers na sina Ben Whittakers at Liam Cameron sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos na parehas silang nakaranas ng pagkabagsak.

Lumabas na lamang sa ring si Whittaker na naka-wheelchair at dinala sa pagamutan habang si Cameron ay napatalon sa ibabaw ng boxing rope.

Ang laban ay inabandona dahil sa accidental injury at idineklara ang technical split draw.

Isang undercard ang laban ng dalawa para sa main event na sa pagitan nina WBA champion Dmitry Bivol at Arthur Beterbiev ang WBC, WBO, IBF champion.

Nagwagi si Beterbiev laban kay Bivol dahil sa unanimous decision.