KALIBO, Aklan – Magpapatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Provincial Officer Investigation Agent V Jane Fatima Tuadles hindi inihinto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang kapulisan at iba pang stakeholders ang giyera laban sa ilegal na droga kahit pa sa gitna ng pandemya ang bansa.
Batay sa kanilang datos, napanatili ng 187 na barangay ang kanilang pagiging malaya mula sa impluwensiya ng illegal na droga sa kabuuang 220 na apektadong barangay sa buong lalawigan.
Nasa 107 barangay pa ang mahigpit na binabantayan upang mapanatili ang pagiging drug-free barangay.
Nasa 30 drug users at peddlers rin ang naaresto sa 28 ikinasang anti-drug operations sa pagtapos ng 2021.
Hinikayat rin ng PDEA ang mga barangay councils na palakasin pa ang Barangay Drug Abuse Councils (BADAC) at suportahan ang intervention programs para sa kwalipikadong drug pushers.