-- Advertisements --

Inaasahan na magiging mabigat kaagad ang magaganap na unang laro ng Gilas sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21, sapagkat makakatapat nila ang New Zealand ayon kay Justin Brownlee.

Ang makakalaban nilang team na Tall Blacks ang matatandaang tumalo sa team ng Pilipinas noong nakaraang taon sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers na tinambakan ng puntos sa iskor na 106-60.

Dahil dito, nagsimula nang magpahinga si Brownlee mula sa sunod-sunod na paglaro sa ibang liga upang makapaghanda sa nalalapit na laban ng Gilas sa susunod na linggo.

Dagdag pa niya, magiging mahirap ang bakbakan kaya ihahanda niya ang katawan at gagawin ang buong makakaya para sa bansa. (Report from: Grant Hilario)