-- Advertisements --
Hindi na natuloy ang nakatakdang IBF worldflyweight fight ni Filipino boxer Jayson Mama sa Olive Convention Centre in Durban, South Africa.
Nakatakda sana nitong makaharap si Moruti Mthalane ng South Africa.
Ito ay dahil sa hindi natapos ng Tono Promotions ang mga kinakailangan na mga requirements para magkaroon ng kridibilidad ang nasabing laban.
Nalaman na lamang ng kampo ng 23-anyos na boksinger ng sila ay dumating sa South Africa.
Tubong General Santos si Mama na mayroong 15 panalo at walang talo habang ang 38-anyos na si Mthalane ay mayroong 39 panalo at 2 talo.