-- Advertisements --
lakers lebron james 1

Ginamit ng Los Angeles Lakers ang big game sa huling sandali ng laro upang malampasan ang Miami Heat, 95-80.

Muling gumana si LeBron James sa pamamagitan ng dalawang clutch 3-pointers sa nalalabing ilang minuto upang selyuhan ang kanilang ikapitong sunod na impresibong panalo.

Sa fourth quarter lamang naipasok ni LeBron ang 12 sa kanyang kabuuang 25 puntos.

Una rito, nakadikit pa ang Heat sa anim na kalamangan ng Lakers sa huling siyam na minuto sa fourth quarter.

Pero kumayod ng husto ang LA ng muling magsama ng pwersa ang dalawa sa kabilang sa matinding offensive players ngayon na sina Anthony Davis at James.

Nagtala si Anthony Davis ng 26 points at nine rebounds.

Inalat pa ng husto ang Heat dahil sa nakakadismayang 6-of-35 shooting sa 3-pointers habang nangulelat din sila sa rebound 48-37.

miami heat players
Miami Heat players (photo from @MiamiHEAT)

Para kay James ang matinding depensa ang nagiging susi sa kanilang mga panalo upang gumanda rin ang kanilang opensa.

Sinusugan naman ito ni Davis sa pagsasabing nagawa nilang limitahan sa three point areas ang Heat na siyang No. 1 ngayon sa NBA pero tumalab ang kanilang depensa dahil 17% lamang ang nagawa ng karibal na team.

Kung maalala ang Miami ang dating team ni LeBron na nabigyan din niya noon ng korona.

Si Goran Dragic ay aminadong na-pressure sila sa matinding depensa ng Lakers na dinagdagan pa ng dalawang pinakamagagaling na players.

Nagtapos si Dragic sa 19 points, habang nasayang din ang diskarte ni Jimmy Butler na kumamada ng 22 points.

Ang next game ng Heat ay kontra Detroit Pistons sa Miyerkules.

Ang Lakers naman ay host sa Toronto Raptors sa Lunes.