Patay ang daan-daang tropa sa labanan para sa bakhmut ayon sa Ukraine at Russia, kung saan dinidepensahan ng Kyiv ang walang tigil na pag-atake at isang maliit na ilog na naghahati sa bayan na ngayon ay nagmamarka sa bagong frontline.
Ayon kay Serhiy Cherevatyi, isang Ukrainian military spokesperson, 221 pro-Moscow troops ang napatay at mahigit 300 ang nasugatan sa Bakhmut. Ayon naman sa Russia’s defense ministry, umabot sa 210 sundalong Ukrainiano ang napatay sa sektor ng Donetsk ng frontline.
Habang hindi naman matukoy ng Moscow ang bilang ng mga nasawi sa Bakhmut, ang silangang bayan ng Donetsk ay naging lugar ng isa sa mga pinakamadugo at pinakamahabang labanan ng isang taon na gyera.
Ang magkabilang panig ay umamin na nagdurusa at nagdulot ng pagkalugi sa Bakhmut. Hindi naman matiyak ng mga ito ang bilang ng mga nasawi sa naturang magkabillang bansa.