-- Advertisements --

CAUAYAN CITY– Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng tropa ng 77th Infantry Battalion Phil. Army at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Dagupan, Lal-lo, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Phil. Army na kasalukuyan ang hot pursuit and search operation sa mga nakalabang rebelde ng mga sundalo.

Sa pagpapatuloy na pagtugis ng mga sundalo sa mga rebele ay narecover nila ang mga high powered firearms na kinabibilangan ng dalawang M16 armalite rifle na may tatlong magazine , 2 M14 armalite rifle na may dalawang magazine, isang baby armalite , isang Cal. 45 pistol na may isang magazine, anti personnel mine, mga short wires na ginagamit sa pagpapasabog sa Improvised Exposive Devices, mga iba’t ibang klase ng bala , assorted medical supplies at mga subersibong dokumento…ang mga ito ay nasamsam sa pinangyarihan ng labanan

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga tumatakas na mga rebeldeng kasapi ng Komiteng Probinsiya ng Cagayan sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.