Nakatakda na ang bakbakan sa pagitan ng USA(2) at Germany(11) mamayang alas-8 ng gabi.
Pag-aagawan ng dalawang bigating team ang pagpasok sa semi-finals ng FIBA 2023.
Maalalang unang natalo ang Team USA laban sa Lithuania noong ikalawang elimination ngunit agad silang bumawi sa quarterfinals nang tambakan ang Italy 100-63.
Sa panig ng Germany, wala pa itong katalo-talo simula nag-umpisa ang FIBA World Cup noong Agusto-25.
Ibig sabihin, nangunguna ang Germany kumpara sa lahat ng team na sumabak sa World Cup, kung pagbabasehan ang winning percentage.
Ito ay dahil na rin sa magandang performance ng buong team na pinangungunahan nina Johannes Voigtmann, Moe Wagner, Daniel Theis, at Johannes Thiemann.
Ang mga nasabing manlalaro ay maaari umanong itapat sa mga NBA players na bumubuo sa Team USA, katulad nina Paolo Banchero Walker Kessler, at Jaren Jackson Jr.
Matutunghayan naman ang galing ng dalawang point gourd/shooter ng dalawang koponan na kapwa mula NBA na sina Anthony Edwards ng TEAM USA at Dennis Schroder ng Team Germany.
Sa kabuuan ng kampanya ng mga naturang bansa, kapwa nagsilbi ang dalawang player na pangunahing opensa, daan upang umusad sa panghuling knockout round, bago ang pinaka-aabangang World Cup Finals.