CENTRAL MINDANAO – Mas lalo umanong uminit pa ang labanan sa politika sa probinsya ng Maguindanao sa mismong magkatunggaling magkakamag-anak.
Ito ay sa pagitan nina Gubernatorial candidate Freddie Mangudadatu at Mariam Sangki Mangudadatu.
Ayon kay LMP president at Mangudadatu Maguindanao Mayor Freddie Mangudadatu na hindi sila nagtatanim ng galit sa politika dahil ang eleksyon aniya ay dadaan lamang.
Dapat daw ang taongbayan ang magpapasya at pumili ng mga kandidato na may nagawa na sa bayan.
Umani naman ng 100% suporta ang pamilya Mangudadatu sa pangunguna ni incumbent Governor Esmael â€Toto†Mangudadatu na tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Maguindanao, Freddie Mangudadatu bilang gobernador, senatorial candidate Zajid â€Dong†Mangudadatu, Board Member King Jhazzer Mangudadatu at iba pa sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao kasabay ng grand rally ng PDP Laban at Team Kalilintad.
Ito naman ang tiniyak ni Vice-Mayor Datu Otho Montawal na tumatakbong alkalde at Mayor Datu Vicman Montawal bilang bise-alkalde.
Naniniwala naman si Montawal na dapat ipagpatuloy daw ang totoong serbisyo ng pamilya Mangudadatu sa Maguindanao.
Ipinagmalaki rin nito kung paano raw umunlad, lumago ang ekonomiya sa probinsya ng Maguindanao lalo na sa suporta sa usapang pangkapayaan sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa nabuong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Hiling ni Gov Mangudadatu sa mga botante na suportahan at ipagpatuloy ang programang magseserbisyo sa mamamayan sa Maguindanao.