-- Advertisements --

47th

Nai-turn over na sa kani-kanilang pamilya ang mga labi ng limang NPA na namatay matapos maka enkwentro ang mga tropa ng 47th Infantry Battalion kahapon sa Bilar, Bohol.
Kinilala ang mga nasawing NPA na na sina: Joseph Bautista alyas Bryan,33-anyos ng Inabanga; Romeo Nabas alyas Marlon,54-anyos ng Batuan; Marvin Terig alyas Chris,22-anyos ng Danao; Junrey Bucar alyas Justin,20-anyos ng Bilar; at Edionela Nuera alyas Mia,18-anyos, ng Trinidad.
Ayon kay 47th IB Spokesperson, 1st Lt. Elma Grace Abulencia, ang mga sundalo ang nagdala ng mga bangkay sa punerarya sa Sagbayan matapos ang labanan.
Nakipag-coordinate din ang militar sa local government unit para sa possibleng tulong na maibigay sa mga pamilya ng mga nasawi.
Ayon kay Abulencia, kalimitan ay iniiwan nalang ng NPA ang mga bangkay ng kanilang mga nasawing kasamahan kapag tumatakas sa labanan, o kaya ay o inililibing sa gubat ng hindi ipinapaalam sa pamilya ng namatay.