-- Advertisements --

bilibid1

Inilibing sa sementeryo ng New Bilibid Prison (NBP) ang labi ng 60 inmates na nasawi sa loob ng pambansang piitan.

Ang 60 labi na ito ng mga inmates ay kabilang sa mahigit 100 mga bangkay na nadiskubreng nakalagak sa Eastern Funeral Homes kung saan din nakalagak ang labi ng namatay na inmate na si jun Villamor na siyang middleman na nag-hire sa self-confessed gunman na si Joel Escorial sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ang unang batch ng inmates na nasawi ay mula noong Enero hanggang Hulyo ng 2022 at may isa namang bilanggo ang namatay nito lamang buwan ng Oktubre.

Una ng inihayag ni Justice Secertary Jesus Remulla na may ilang mga labi ng mga nasawing inmates sa Bilibid ang hindi na maaaring isailalim sa autopsy dahil ilan sa mga ito (pasintabi po) ay nasa stage na ng decomposition o naaagnas na at “mummified” na o tuyot na.