-- Advertisements --
Nakatakdang dumating ngayong hapon sa Villamor Air Base sa Pasay City ang labi ng walo sa 13 Marines na nasawi sa 14 na oras na labanan sa Marawi City.
Kabilang sa walong cadaver na darating mamayang hapon ay kay 2nd Lt. Frederick Savellano.
Si Savellano ang platoon commander ng team na naka rekober sa P52 million cash habang P27 million halaga ng cheque mula sa isang bahay na pinagtataguan ng mga Maute.
Ayon sa pamunuan ng Philippine Marines na nauna ng nailipad ang dalawang bangkay sa kanilang mga probinsiya.
Bibigyan ng full military honors ang mga nasawing sundalo.