-- Advertisements --
image 71

Inilibing na ngayong araw sa Zamboanga city ang labi ng hazing victim na estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig na nasawi sa isinagawang hazing rites ng Tau Gamma Phi fraternity.

Nakasuot ng black shirts na may nakasulat na “Crying for Justice for Matt” ang mga mahal sa buhay at kaibigan ni Salilig na sumisigaw ng hustisya para sa pagkamatay nito.

Bago ang burial, nagdaos ng funeral mass sa may Metropolitan Immaculate Conception Cathedral.

Pinayagan ng pamilya Salilig na dumalo ang miyembro ng fraternity.

Sa paggulong ng imbestigasyon, napag-alaman na nasa kabuuang 15 frat members ang nakibahagi sa initiation rites ng apat na indibidwal.

Sa ngayon nasa 7 miyembro na ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nasa kustodiya ng pulisya kung saan anim dito ay inaresto noong Miyerkules.

Sumuko naman sa awtoridad noong Huwebes ang ikapitong suspek na si Daniel de los Reyes Perry na sinasabing master initiator.

Ikinokonsidera din ng pulisya na case solved o nalutas na ang kaso