-- Advertisements --

Nakarating na sa bansa ngayong araw ang labi ng isa sa tatlong nasawing Overseas Filipino Worker sa nangyaring malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Agad namang sinalubong si Jenny Gamboa ng kaniyang anak na si Christian Gamboa at tiyahin niyang si Jonalie Lejat.

Kasama rin ang Department of Migrant Workers senior officials na sina Assistant Secretary Venecio Legaspi, Director Regina Galias, Regional Director Mel Candano at Director James Mendiola upang pormal na humarap sa pamilya ni Gamboa.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtulong ng nasabing ahensya katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tuluyan nang maiuwi si Gamboa sa kaniyang hometown sa Pampanga.