-- Advertisements --
image 250

Inaasahang darating ngayong araw ang labi ng mga pasaheeo ng Cessna plane na bumagsak sa Isabela noong buwan ng Enero.

Ayon sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Constante Foronda Jr., ito ay dahil hindi pa rin daw maganda ang lagay ng panahon l.

Ang Cessna C206 plane RPC 1174 na may anim na pasahero ay nawawala noong Enero 24 matapos mag-take off saCauayan Airport at patungong Maconacon.

Natagpuan naman ang aircraft noong Marso 9 sa Barangay Ditarum, Divilacan, Isabela.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) walang survivors sa plane crash incident.

Kahapon nang kumpirmahin ng PDRRMO na dumating na sa Divilacan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-12:45 ng tanghali.

Sa sandalijt makarating naman ito sa Cauayan, sinabi ni Foronda ay magsasagawa ang mga personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng imbestigasyon sa bumagsak na eroplano.