Ililibing ang labi ng napatay na Hamas political leader na si Ismail Haniyeh sa Qatar ngayong Biyernes, Agisto 2.
Bago ito, nakatakdang magsagawa ng funeral ceremonies sa Imam Muhammad bin Abdul Wahhab mosque saka ililibing ang labi ni Haniyeh sa cemetery sa Lusail, north ng Qatari capital
Napili ang Qatar na paglibingan sa Hamas leader dahil nanirahan ito sa Doha kasama ang iba pang mga miyembro ng Hamas political office.
Pinangangambahan naman ngayon na posibleng magresulta ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa malawakang sigalot sa Middle east bunsod ng pagkakapatay sa Hamas leader.
Samantala, sa panig naman ng Amerika, itinuturing ni US President Joe Biden ang assassination sa Hamas leader na hindi nakatulong para sa posibleng ceasefire deal at nagpahayag ng pagkabahala sa tumitinding tensiyon sa rehiyon matapos na mangako ang Iran Supreme leader na ipaghihiganti nila ang pagkamatay ng kanilang kaalyadong Hamas leader sa kanilang mismong lupain.
Si Haniyeh na ang ikatlong mataas na opisyal ng Hamas militants na sinusuportahan ng Iran na napatay sa mga nakalipas na linggo. Na-assassinate ito sa kapital ng Iran na Tehran gamit ang isang explosive device na isinisisi sa Israel.