-- Advertisements --

Nakatakdang i-repatriate sa Pilipinas ang labi ng nasawing Pilipinong pulis sa US mid-air collision na si Philippine National Police Director for Logistics Colonel Pergentino “Bong” Malabed sa susunod na linggo.

Nakatakda namang bumalik ng Amerika ang naulilang maybahay ni Col. Malabed na si Rio para dalhin ang mga personal na gamit at uniporme ng nasawing police official.

Ibinahagi din ni Rio ang detalye para sa viewing sa labi ni Col. Malabed na isasagawa sa Philippine National Police Mortuary sa Camp Crame mula Pebrero 21 hanggang Pebrero 23.

Nakatakdang ilipat ang labi ni Col. Malabed sa Manila Memorial Park, Manila South Road, Barangay Dita, Santa Rosa City, Laguna, sa Pebrero 24.

Naka-schedule ang cremation sa Pebrero 25 habang isasagawa naman ang libing sa Pebrero 27 alas-4:00 ng hapon.

Matatandaan, kabilang si PCol. Malabed sa sakay ng American passenger plane nang sumalpok ito sa isang US Army helicopter habang nasa ere malapit sa Reagan National Airport kung saan walang survivor sa naturang malagim na trahediya.