Isinasapinal pa ng pamilya ni Ester Chavez kung saan ang magiging huling hantungan ng namayapang veteran actress/radio personality.
Nitong huling araw ng Mayo nang pumanaw ang tinaguriang Pinoy “radio drama queen” sa edad na 93, at agad isinailalim sa cremation ang labi.
Ayon sa daughter-in-law nitong si Boots Misa Chavez, binawian ng buhay ang kanyang biyenan habang nasa ospital dahil sa komplikasyon sa edad.
“Ester Chavez, TV and movie actress, and Queen of Filipino radio drama passed away at 93. She started her radio career at 17 and was still doing radio once a week at the age of 87,” saad nito kalakip ang larawan ng showbiz icon.
Naulila nito ang kanyang dalawang anak.
Kabilang sa kinatampukang TV show at pelikula ni Ester Chavez ay ang “Tang-Tarang-Tang,” “Anna Liza,” “Kaya Kong Abutin Ang Langit,” “Kung Mahawi Man Ang Ulap” (1984), “Paano Kung Wala Ka Na?” (1987) at “Maging Sino Ka Man” noong 1991.