-- Advertisements --
Vice Mayor Charlie R. Yuson III
Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie R. Yuson III (FB photo)

LEGAZPI CITY – Naiuwi na ng Pamilya Yuson sa ancestral house sa Sampaloc, Maynila ang labi ng pinaslang na si Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ilan sa mga tagasuporta ng opisyal ang bumiyahe pa mula sa nasabing island province upang masilayan sa huling pagkakataon ang opisyal.

Lubos namang ipinagpapasalamat ni Batuan Municipal Councilor Emil Yuson at pamangkin ng bise alkalde, ang pagpapaabot ng suporta at simpatiya sa pamilya, maging sa mga gumagalaw sa pagbibigay-hustisya sa sinapit ng tiyuhin.

Nanindigan naman ang pamilya sa paniniwala na may kinalaman ang pamilya ni PCSO Board Member Sandra Cam sa krimen lalo na sa inuugnay na apat na suspek na nahuli.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naging emosyunal ang konsehal sa muling pagkikita ng tiyuhin na isa nang malamig na bangkay.

Wala namang ibinigay na eksaktong petsa ang pamilya kung kailan dadalhin sa Masbate ang labi ng bise alkalde.

Subalit tiniyak naman nitong dapat na maiuwi ang bangkay ni Vice Mayor Bodgie sa Batuan na hinihintay naman ng mga constituents ng opisyal.