Nasa Senate session hall na ang labi ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. para sa necrological service.
Pumanaw ang beteranong mambabatas at statesman sa edad na 85-anyos.
Nasa Senado rin ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng dating pinuno ng Senado.
Si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nanguna sa pagtanggap sa labi ni Pimentel sa main entrance ng Senado na may kasamang arrival honors at red carpet.
Kasama rin ni Sotto ang ilang mga incumbent at datihang mga senador, ang Senate Secretary Myra Villarica, Sergeant-At-Arms Rene Samonte, secretariat officials at employees.
Ipipresenta rin ni Sotto ang isang resolusyon ng pagkilala para sa dating pinuno ng kapulungan at ipagkakaloob ito sa naiwang pamilya ni Sen. Nene.
Binuksan ni Sotto ang seremonyas sa pamamagitan nang pag-bang ng gavel.
Ilan sa mga naatasang magbigay ng eulogy sina Sen. Pia Cayetano, dating Senators Heherson Alvarez, Anna Dominique “Nikki” Coseteng, Jose “Joey” Lina Jr. at si Senate President Sotto.
Kabilang naman sa mga namataan na nasa Senado si dating Pangulong Joseph Estrada at maybahay na si dating Sen. Loi Estrada, dating vice-president at dating Sen. Noli de Castro, ex-Sen. Orly Mercado, dating Sen. Robert Jaworski, John Osmena at iba pa.
Pagkatapos nito, ibabyahe naman ang labi patungong Cagayan de Oro, saka ibabalik dito sa Biyernes para sa paghahatid sa huling hantungan.