-- Advertisements --
Nakatakdang ilipad na bukas, araw ng Sabado ang labi ni LPGMA Party-list Rep. Rodolfo Albano Jr. sa Cauayan, Isabela.
Kinumpirma ito sa Bombo Radyo ng anak na namayapang kongresista na si LPGMA party-list Rep. Antonio “Tonypet” Albano.
Ayon sa nakababatang Albano, ilalagak ang labi ng kanyang ama sa Provincial Capitol bukas, Nobyembre 9, hanggang sa Linggo ng umaga.
Ililipat naman aniya ito sa Cabagan, Isabela sa hapon ng Linggo at doon na rin ito ililibing sa Martes, Nobyembre 12.
Sa ngayon, nasa Heritage Park sa Taguig City nakaburol ang labi ng beteranong mambabatas.
Una na itong ginawaran ng necrological service nitong nakalipas na araw sa Kamara.