CAUAYAN CITY – Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor ang pagdating nitong Sabado ng umaga ng labi ni yumaong LPGMA Partylist Representative Rodolfo “Rudy” Albano Jr.
Kasamang dumating ng bangkay ni kinatawan albano ang kanyang mga anak na sina Gov. Rodito Albano at Cong Tonypet Albano.
Pansamantalang nakaburol ngayon ang labi ng mambabatas sa session hall ng sangguniang panlalawigan at isinagawa ang misa.
Mamayang gabii nakatakdang magsalita sa eulogy sina Vice Governor Dy, Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya, Labor Secreteray Silvestre Bello III, Mayor Jose Marie Diaz ng Lunsod ng Ilagan at Mayor Arnold Bautista ng Cabagan, Isabela at ang magbibigay ng response ay isa sa mga kasapi ng pamilya Albano.
Ayon kay Mr. Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan, may sapat na pagkakataon ang mga mamamayan na nais na magbigay-pugay kay kinatawan Albano dahil magdamag na ibuburol sa session hall ng Sangguniang Panlalawigan ang kanyang labi bago dalhin bukas sa kanilang bahay sa Cabagan, Isabela para sa dalawang araw na burol bago ihatid sa kaniyang huling hantungan sa Miyerkules.
Samantala, sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan kay Prov’l Tourism Officer Troy Alexander Miano na kabilang sa mga sumalubong, pinuri a niya ang mahabang taon ng panunungkulan sa pamahalaan ni kinatawan Rudy Albano.
Siya ay naging Mayor, Vice Governor, naging Assemblyman at maraming beses na nahalal na congressman ng unang distrito ng Isabela at naging house majority leader noong panahon ni dating House Speaker Jose De Venecia.
Tinawag ni dr. Miano si cong rudy albano na isang statesman.