Aabot sa labing-isang miyembro ng g teroristang grupo sa Maguindanao del Sur habang isinuko rin nito ang labing isang iba’t-ibang uri ng baril sa mga tropa ng militar.
Partikular na sumuko ang mga miyembro ng Daulah Islamiyah-Turaife Group ang sumuko sa 6th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Buayan, bayan Datu Piang .
Ito ang kinumpirma ng AFP Western Mindanao Command sa isang panayam.
Ibinigay rin nito ang tatlong 40mm M79 grenade launcher, dalawang 9mm Uzi submachine gun, isang Bushmaster rifle, isang cal.30 sniper rifle, isang 60mm mortar, isang 7.62mm sniper rifle, isang cal.45 pistol, at isang cal.38 revolver.
Ang mga armas na ito ay hawak na ng 6th IB sa Datu Piang para sa tamang pag-iingat at tamang disposisyon.
Pinuri naman ni Wesmincom commander Lt. Gen. William Gonzales ang 6th IB dahil sa pagsuko ng 11 miyembro ng DI-TG
Ang 11 ay ibibilang sa iba’t ibang programa ng gobyerno na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magsimula ng bagong buhay.
Samantala, ang Daulah Islamiyah-Turaife Group ang itinuturong utak sa pag-atake sa Central Mindanao, kabilang ang mga kaso ng pambobomba at pangingikil.