Plano ng mga Senador na ilipat ang labis na confidential at intelligence funds ng mga ahensya ng gobyerno sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Agency (NSA).
Ito ang naging pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pulong balitaan.
Ayon kay Zubiri, mayroon ang mga senador na listahan ng mga ahensya ng gobyerno na may CIF at plano rin nilang suriin ang listahang ito para makita kung kailangang bawasan ang pondo.
Sinabi pa ng Senate President na ang Senate select oversight committee ay magpo-propose nang mas detalyado na CIF para sa mga ahensya sa susunod na pagpupulong.
Ang budget para sa confidential and intelligence funds sa susunod na taon ay tumaas ng P120 milyon hanggang P10.14 bilyon — P5.28 bilyon sa intelligence at P4.86 bilyon sa confidential funds.