Sisilipin ng mga senador ang tila higit pa sa kapangyarihan ng isang pangulo na taglay ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpapalaya sa libu-libong bilanggo na sangkot sa heinous crimes dahil sa good conduct time allowance (GCTA).
Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon dahil sa nabunyag na pagpapalabas sa halos 2,000 convicted criminals mula sa mga bilangguan.
Kasama na rito ang halos 50 drug convicts, kung saan ang iba ay mga Chinese drug lords pa.
Sa kabuuan, 11,000 ang nakatakda sanang palayain, bagay na hindi sinang-ayunan maging ng Malacanang.
Paniniwala tuloy ni Sen. Panfilo Lacson may dawit na pera sa mga ito at kailangan ng malalimang pagsisiyasat.
Kaya naman imbitado si BuCor Chief Nicanor Faeldon sa gagawing hearing sa darating na Lunes.