Isinusulong ngayon ni dating Pangulo at outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaroon ng labor agrement sa pagitan ng Pilipinas at Russia para sa mas maayos na proteksyon sa mga Pilipinong manggagawa sa doon.
Sa kanyang naging talumpati sa St. Petersburg International Economic Forum, binigyan diin ni Speaker Arroyo na mayorya sa tinatayang 10,000 Pilipinong nagtatrabaho sa Russia ay pawang undocumented kaya prone ang mga ito sa pagkaka-aresto at kulong.
Nagbabayad aniya ang mga ito ng aabot sa US$3,800 para lamang makakuha ng improper o manufactured visas.
Dahil dito, sinabi ng lider ng Kamara na nahaharap talaga palagi ang mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs) doon sa posibilidad na maaresto o hindi kaya ay deportation.
Ayon kay Arroyo, biktima lamang din ang mga OFWs na ito ng mga illegal recruiter at human traffickers.
Kaya naman ang pagkakaroon daw ng labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Russia ay beneficial sa interes ng dalawang bansa.
“What is the solution to maximize the potential of our Filipino workers to contribute to Russian development and investment attractiveness? The solution is a labor agreement between our two countries. I understand we have vast experience in this area and have found that the interests of both sending and receiving states are served by the agreement. I understand we have had several discussions on this, and that in May last year the Philippines formally submitted a draft labor agreement to Russia,” ani Arroyo.