Nagpulong sa Malacanang sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Palau President Surangel Whipps Jr na nasa dalawang araw na official visit.
Sa bilateral meeting ng dalawang lider ay Binigyang diin ng Pangulo ang kontribusyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng Palau at itoy sa pamamagitan na din ng mga OFW na nagta- trabaho sa nasabing bansa.
Halimbawa ito sabi ng Presidente ng bunga o resulta ng people to people ties sa pagitan ng Palau at ng Pilipinas.
Umaasa din ang Pangulo na mabubuo ang negosasyon para sa bilateral labor at social agreements sa pagitan ng dalawang bansa bago matapos ang taong ito.
Dagdag ng Pangulo na umaasa rin siyang mapapalawak pa ang engagement ng Palau at Pilipinas sa larangan at agrikultura at fisheries.
Sinabi ng Presidente na bagamat bata pa kung maituturing ang formal diplomatic relations ng dalawang bansa, may pagkakatulad namang maituturing ang heritage history ng Palau at Pilipinas lalo na sa larangan ng paghahangad ng independence at self determination na magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.