Inireklamo ng korapsyon at sexual harassment ang isang labor attache sa Riyadh, Saudi Arabia.
Base sa reklamo ng Filipino welfare officer sa isang Saudi Arabian recruitment agency na si Herbert Mayores ay humingi umano ng suhol si Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) mula sa kaniyang ahensya at hinarass pa ang kaniyang asawa na si Aireen kapalit ng mga dokumento na kailangan ng kanyang pirma.
Aniya, humingi raw ng bayad si Mustafa sa isang dokumento na nangangailangan ng kaniyang approval.
Ito umano ang pamaraan ng opisyal upang mapadali ang proseso sa mga dokumento.
Dagdag pa ni Mayores, nangikil ng aabot sa 7,000 dollars si Mustafa nanggaling sa mga accredited Saudi-based recruitment agencies dahil sa nasabing gawain.
Sa ngayon inaantay naman ang magiging pahayag ni Mustafa sa naturang alegasyon.