Patuloy ang apilia ng labor group sa gobyerno na dapat ay pigilan ang pagbabawas ng empleyado ng Duty Free Philippines.
Sinabi ni Federation of Free Workers (FFW) president Sonny Matula na mayroong kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pigilan ang retrenchment plan sa ilalim ng Government Owned and Controlled Corporation Governance Act of 2011.
Ang nasabing hakbang aniya ng Duty Free Philippines ay isasagawa ng wala man lang konsultasyon.
Wala aniyang due process at hindi rin alam ito ng mga empleyado.
Giit nito na ang reorganization plan ay tila pagdadamot sa karapatan ng empleyado ng kumpanya ng kanilang security of tenure.
Iminungkahi nito na imbes na magsagawa ng pagtatalaga ng bagong opisyal ay nararapat muna na linisin nila ang kanilang hanay dahil sa talamak umano ang nagaganap na kurapsyon at smuggling.