Muling kinalampag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pamahalaan sa nagpapatuloy na pagkaka-antala ng legislated wage hike na makapagbibigay sana ng mas mataas na sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon sa grupo, hindi katanggap-tanggap na tuloy-tuloy ang pagkaantala ng ng legislated wage increase sa Kongreso gayong kailangang-kailangan ito ng mga mangagawa.
Sa gitna umano ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, at bayad sa serbisyo, nababalisa na ang mga mangagawang Pilipino sa kanilang paglalaan ng budget mula sa maliit na sahod.
Ang pagkaka-delay ng legislated wage increase ay nangangahulugan umano ng tuloy-tuloy na paghihirap ng mga mangagawa.
Sa kasalukuyan ay nananatiling pending o nakabinbin sa Kongreso ang legislated P150 na across-the-board na taas sahod para sa mga mangagawa sa pribadong sektor.