Umapela ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region.
Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila.
Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan sa kanilang paghahain ng petsiyon para sa hirit na pagtaas ng minimum wage sa P1,007 ang kagutuman, malnutrisyon at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.
Sa isang statement sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na malinaw na ang minimum wage earners at ang kanilang pamilya ay kabilang sa mga nasa katergoryang may mababang income at maituturing na mahirap.
Ipinunto pa ng labor group na ang kasalukuyang buwanang naiuuwing sahod na P12,843.48 ay malayong mababa ito sa inaasahang monthly wage na P16,625 poverty threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila.
Taong 2019 ayon kay Mendoza, nadismissed ang kanilang petisyon sa pagtaas ng sahod subalit nagyon sila ay gumagawa aniya ng aksiyon para sa mga mahihirap na manggagawa sa Metro Manila gayundin para sa kanilang pamilya para malabanan ang kahirapan.