-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Magiging virtual muna ang isasagawang aksyon ng ilang grupo na kabilang sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kasabay ng Labor Day bukas, Mayo 1.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ALU-TUCP national Spokesperson Alan Tanjusay, magkakaroon ng maghapon na aktibidad bukas kung saan pag-uusapan ang mga estratehiya para sa pagbabalik sa dating sigla ng ekonomiya.

Suhestyon pa rin nito ang paglikha ng maraming trabaho na pinaka apektado ng pandemya, maliban pa sa ais na wage order sa iba’t ibang lugar.

Nakaabang naman ang grupo sa mga posibleng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang bukas.

Naniniwala si Tanjusay na doble pa ang nawalang hanapbuhay sa bansa sa gitna ng pandemya kumpara sa data ng Labor department na umabot ng apat million.