-- Advertisements --
image 251

Muling nagpahayag ng kanilang pagtutol ang mga labor groups sa National Government Rightsizing Bill.

Layon ng naturang panukalang batas na ma-restructure ang mga government agencies sa ilalim ng Executive department.

Magiging mitsa raw kasi ito sa pag-release ng rank-and-file employees.

Sa halip ng pagpasa ng panukala ay nanawagan ang Federation of Free Workers (FFW), the Public Sector Labor Independent Confederation (PSLINK), Confederation of Independent Union in the Public Sector (CIU-SENTRO) at NAGKAISA Labor Coalition affiliates na bumalangkas ng measures na popotekta sa karaparan ng mga government workers.

Iginiit ng mga labor groups na ang proposed measure ay magkakaroon ng “adverse effects” sa rank-and-file government workers ba tinamaan na rin ng nagdaang mga reorganization efforts sa gobyerno.

Noong nakaraang linggo nang aprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7240, na cover ang mga ahensiya sa ilalim ng Executive department pero hindi naman kasama ang mga guro at medical-related posts, military at uniformed personnel at mga posisyon sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions na nasa ilalim na ng jurisdiction ng Governance Commission for GOCCs.

Ang bill ay isa sa mga legislative priorities ng kasaluluyang administrasyon.

Idinipensa naman ng epartment of Budget and Management (DBM) ang naturanf panukalang batas dahil ito raw ay magliligtas sa mga pondo ng pamahalaan.

Pero sa halip na ipasa ang panukalang batas, nanawagan ang mga labor groups sa pagpasa ng Public Services Relations Bill o House Bill No. 1513 at ang New Philippine Nursing Practice Act of 2022 o Senate Bill No. 589.